^

Police Metro

P1.5-M natupok sa sunog

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natupok ng apoy ang tinatayang nasa P1.5-mil­yong halaga ng ari-arian na naganap sa two storey building sa San Juan City, kahapon ng madaling araw.

Nabatid mula sa San Juan City Bureau of Fire Protection (BFP) dakong alas-3:50 ng madaling araw ng sumiklab ang apoy sa bahay ng negosyanteng si Manuel Dino, 69 sa  #3 Monroe St., West Greenhills sa lungsod.

Ayon kay FO2 Noel Binwag, nagsimula ang apoy sa isang silid ng pamil­yang Dino sa ikalawang palapag ng kanilang bahay na naging dahilan upang mabilis na mag-takbuhan ang mga miyembro ng pamilya  palabas para takasan ang lumiliyab ng apoy.

Naging mabilis naman ang  pagresponde ng mga kagawad ng pamatay sunog sa pangunguna mismo ni San Juan City Fire Marshall Chief/Insp. Gilbert Dolot kaya hindi na kumalat ang apoy sa mga kalapit na resi­dential building.

Nagtagal ang sunog ng halos isang oras na umabot 2nd alarm bago tuluyan idineklara na fire out ganap na alas 4:45 ng umaga. 

Wala naman nailulat na nasaktan o nasawi sa nasabing sunog.

 

vuukle comment

AYON

GILBERT DOLOT

MANUEL DINO

MONROE ST.

NOEL BINWAG

SAN JUAN CITY

SAN JUAN CITY BUREAU OF FIRE PROTECTION

SAN JUAN CITY FIRE MARSHALL CHIEF

WEST GREENHILLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with