^

Police Metro

Bar owner, tinodas sa karinderya

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinodas ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem ang isang bar owner habang ito ay kumakain sa isang karinderya sa Marikina City, kahapon ng ma­daling-araw.

Agad na nasawi sa pinangyarihan ng insidente ang biktima na kinilalang si Romel Palomares, nasa hustong gulang na sinasabing may-ari ng Buduy Comedy bar and Restaurant sa lungsod.

Sa ulat ng Marikina Police, nabatid na ang krimen ay naganap dakong alas-4:30 ng madaling-araw sa isang karinderya sa V. Santos St., corner JP Rizal Avenue, Barangay Sto. Niño, Marikina City.

Ayon sa report, gi­nutom ang negos­yante kaya naisipan nitong kumain sa karinderia at nang papatapos na itong kumain ay big­lang dumating ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Nang matiyak ng mga salarin na patay na ang biktima ay mabilis na tumakas sakay din ng kanilang motorsiklo na hindi nakuha ang plate number.

Sa ngayon ay hindi pa batid ng Marikina police ang motibo ng krimen at pagkakaki­lanlan ng mga suspek na siyang subject sa ka­nilang ginagawang masusing imbestigas­yon.

vuukle comment

BARANGAY STO

BUDUY COMEDY

MARIKINA CITY

MARIKINA POLICE

RIZAL AVENUE

ROMEL PALOMARES

SANTOS ST.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with