^

Police Metro

2 natusta sa nasunog na bahay

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines -Hindi na nakalabas ng buhay ang dalawang katao matapos na masunog ang tinutuluyang apartment kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Nagmistulang uling nang marekober ang bangkay ng dalawang biktima na nakilalang sina Danilo Deloviar, 60 at Grace Quintanar, 35, matapos na ma-trap sa loob ng kanilang tinitirhan.

Batay sa ulat, ala-1:30 ng madaling-araw nang maganap ang sunog sa 7 apartment sa Barangay West Rembo.

Sa inisyal  na im­bestigasyon, lumalabas  na nagsimula ang sunog sa second floor ng apartment na pag-aari ni Deloviar na mabilis kumalat ang apoy sa mga katabi nitong apartment na pag-aari naman ni Quintanar.

Umabot ng halos mahigit sa tatlong oras bago naideklarang fireout na kung saan ay tinatayang aabot sa P200,000.00 halaga ng mga ari-arian ang naabo.

 Hinihinalang  illegal electrical connection ang sanhi ng sunog.

 

vuukle comment

BARANGAY WEST REMBO

BATAY

DANILO DELOVIAR

DELOVIAR

GRACE QUINTANAR

HINIHINALANG

MAKATI CITY

NAGMISTULANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with