^

Police Metro

Snatcher napatay sa barilan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa halip na sumuko ay nakipagbarilan pa umano ang isang snatcher sa mga pulis na humahabol sa kanya kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Namatay habang dina­dala sa Rizal Medical Center ang suspek na si Idah Kalib, 55, alyas Chong, binata, residente ng Vicper Compound, Barangay Malinao ng lungsod dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Naaresto naman ang kasamahan nito na si Ja­mal Baud, 37, pirated DVD vendor ng Eusebio Bliss Compound, West Bank Road, Brgy. Maybunga ng lungsod.

Narekober kay Baud ang isang .38 kalibre ng baril at limang bala habang ang nasawing si  Kalib ay nakuhanan ng isang kulay itim na Piet­ro Beretta .9mm pistol at isang magazine na puno ng mga bala.

Bago naganap ang ba­rilan dakong alas-7:45 ng gabi sa Vicper Compound ay isang Thelma Nami na biktima ng snatching  ang nagreklamo sa Police Community Precinct 31, sanhi upang agad na rumesponde ang mga mi­yembro ng Pasig City Police Follow up at Special Weapon and Tactics team.

Nasa akto umanong hinahabol ni PO2 Facundo Tagbalay ang itinurong suspek na si Kalib ng nagpaputok ito ng baril.

Hindi tinamaan ang mga pulis kung kaya’t gumanti ng putok na nag­resulta sa pagkamatay ni Kalib at pagkakaaresto kay Baud.

 

vuukle comment

BARANGAY MALINAO

EUSEBIO BLISS COMPOUND

FACUNDO TAGBALAY

IDAH KALIB

KALIB

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE FOLLOW

POLICE COMMUNITY PRECINCT

VICPER COMPOUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with