^

Police Metro

Dahil sa cara y cruz… riot sa munti: 1 patay, 3 sugatan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Isang preso ang nasawi habang tatlo ang nasugatan nang muling sumiklab ang riot sa loob ng  “maximum security compound” ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City dahil lang sa sugal na cara y cruz.

Ang nasawi dahil sa tama ng bala ng sumpak ay kinilalang si Sonny Sarzuelo, 43-anyos, na may kasong murder. 

Dinala naman sa NBP Hospital ang tatlo pang preso na sugatan sa rambol.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi ay nag­lalaro ng cara y cruz ang ilang preso sa loob ng Building 3 dormitory na magkasama ang nasa 500 miyembro ng Sputnik at Happy Go Lucky gang. 

Nagtalo umano ang dalawa sa mga ito hanggang sa mag-umpisang magsuntukan at pagkatapos ay nagrambol na ang dalawang grupo.

Umaawat naman si Sarzuelo nang mabaril ito ng isa sa mga preso na patuloy na kinikilala ngayon. 

Nang sumiklab umano ang rambol, pinatay ng mga bilanggo ang ilaw sa loob ng dormitoryo kaya hindi makilala kung sino ang bumaril kay Sarzuelo.

Iginiit ng pamunuan ng NBP  na hindi banggaan ng mga gang ang naganap na rambol kundi personal na away ng dalawang bilanggo at kumampi lang ang  kanilang mga kasamahan.

Idinipensa ng pamunuan na  hindi naipuslit pa­pasok ng “maximum security compound” ang sumpak na ginamit sa krimen bagkus ito umano ay nabuo sa naipon na bakal habang pulbura lamang umano ang ginamit sa bala.

vuukle comment

BATAY

DINALA

HAPPY GO LUCKY

IDINIPENSA

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISONS

SARZUELO

SONNY SARZUELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with