1 todas, 7 sugatan sa acetylene tank blast
MANILA, Philippines -Isang acetylene tank ang sumabog na ikinasaÂwi ng isang katao at pagkasugat ng pitong iba pa naganap kahapon ng umaga sa Quezon City.
Nakilala ang nasawi sa alyas na Jonjon, 33; haÂbang ang mga sugatan ay ang mag-asawang Leonilo at Bing Pasanillo; Ariel Pastrana; Joel Pastrana; at mga alyas na “Feâ€; “Leo,†at isang “Ted†na tinamaan ng debris ng nasabing tangke.
Batay sa ulat, ganap na alas-11:00 ng umaga sa puwesto ng metal fabrication shop na pag-aari ng isang Reynaldo Bermas na matatagpuan sa panulukan ng Sta. Catalina at Sta. Monica Streets, Barangay Holy Spirit naganap ang pagsabog.
Sa lakas ng pagsabog ay nagiba ang kabuuan ng shop, nabakbak ang bubungan at nagkabasag basag ang mga salaming bintana ng mga kalapit na bahay nito.
Paiimbestigahan kung mayroong business permit na inisyu ang city hall para malaman kung may karapatan magtayo ng ganitong negosyo sa residential area.
- Latest