^

Police Metro

Pagkakaisa ng Pinas at US pinaigting

Pang-masa

MANILA, Philippines -Patuloy na umuusad ang negosasyon para sa pagbuo ng tinatawag na “Framework Agreement between the Philippines and the United States of America on Enhanced Defense Cooperation and Rotational Presence.”

Ito ang pagtitiyak ni Phi­lippine panel member Foreign Affairs Assistant Secretary Carlos Sorreta matapos ang fourth round ng pag-uusap na ginanap sa EDSA Lounge ng Department of National Defense (DND) noong nakaraang Hu­webes.

Pinangunahan ni DND Undersecretary Pio Lorenzo Batino ang Philippine panel sa nasabing pag-uusap katapat ang kanilang American counterparts sa pangunguna naman ni Ambassador Eric John.

Kapag naipatupad ang binabalangkas na kasunduan, magbibigay-daan ito para sa pagdating sa bansa ng malaking bilang ng US troops na magkakaroon ng madalas na joint military excercises kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Magkakaroon din ng access ang mga puwersang Amerikano sa mga dati nilang base-militar at ilang estratehikong lugar sa bansa kung saan maaari silang magtayo ng mga istruktura at pasilidad na dapat nilang iwan kapag nawalan na ng bisa ang ka­sunduan. 

Bagamat aminado si Sorreta na may ilang bagay na hindi napagkasunduan sa huling pag-uusap, nani­niwala siya na kanilang mareresolba ang mga ito sa itatakdang fifth round of talks.

May mga eksperto sa foreign relations at diplomacy na kapwa pabor sa Amerika at Pilipinas kung maipatutupad ang kasunduan sa lalong madaling panahon.

Anila, kailangan ng Amerika na muling ipadama ang presensiya sa South East Asia at Asia Pacific na napabayaan nito dahil sa pagtutok sa mga giyera sa Iraq at Afghanistan, habang pambara naman ito (ang pagsasaratipika ng kasunduan) ng Pilipinas sa tahasang agresyon ng China sa West  Philippine Sea.

AMBASSADOR ERIC JOHN

AMERIKA

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ASIA PACIFIC

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

ENHANCED DEFENSE COOPERATION AND ROTATIONAL PRESENCE

FOREIGN AFFAIRS ASSISTANT SECRETARY CARLOS SORRETA

FRAMEWORK AGREEMENT

PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with