Sumama sa iba si misis, mister nagbigti
MANILA, Philippines - Hindi matanggap ng isang mister na sumama sa ibang lalaki ang kanyang live-in partner kaya naisipan nitong magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng inuupahang bahay sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Melchor Lim, 35, nakatira sa #111 P. Ducos St., Quaipo, Maynila.
Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, nadiskubre bandang alas-3:00 ng hapon nitong Sabado ang walang buhay na nakabigting biktima sa loob ng kanilang kuwarto.
Sinabi ni Aling Virgina, ina ng biktima, huli niyang nakitang buhay ang kanyang anak dakong alas 7:00 ng umaga noong Sabado na malungkot at tila malalim ang iniisip matapos siyang iwan ng kanyang kinakasama.
Sinasabing, masyadong dinamdam ng biktima ang pag-iwan sa kanya at dalawa nilang anak ng kanyang misis at sumama sa ibang lalaki.
Ayon sa report, apat na beses na umanong nagtangkang magpakatay ang biktima pero napipigilan lamang ng kapatid nito, ngunit sa ikalimang pagkakataon ay hindi na napigilan.
- Latest