^

Police Metro

Huling lagok ng mainit na kape

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsilbing huling lagok ng mainit na kape ng isang parking attendant na binaril sa ulo’t  dibdib at nasawi habang umiinon ng kape sa Binondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ay kinilalang si Albert Monteroso, binata,  ng Gate 46, Parola compound, Binondo.

Isang ‘Joed Zanues’ , tinatayang 30-35 anyos, residente ng Area C, Parola compound, ang sinasabing nakitang bumaril sa biktima.

Sa ulat ni SPO2 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, nabatid na dakong alas-5:00 ng madaling araw ay nakaupo sa nakaparadang tricycle sa Gate 46 ng Parola compound, ang biktima at sinimulang higupin ang inorder na kape nang lapitan siya ng suspek at pinaputukan ng malapitan.

Hindi pa batid ng pulisya ang motibo ng krimen  habang ang tumakas na suspek ay pinaghahanap na.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ng Manila Police District para madakip at makasuhan ang tumakas na salarin sa nasabing insidente.

vuukle comment

ALBERT MONTEROSO

AREA C

BINONDO

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

GLENZOR VALLEJO

ISANG

JOED ZANUES

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

PAROLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with