Nagpapa-antok tinusok
MANILA, Philippines - Isang 32-anyos na lalaki ang tuluyan ng hindi magigising makaraang saksakin habang nagpapa-antok sa harap ng kanilang tahanan sa Sta. Ana, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Melfred Evangelista, nakatira sa #511 Building-C, Jaime Cardinal Sin Village, Punta, Sta Ana, Maynila.
Isang Ellan Del Rosario ang sinasabing sumaksak sa biktima na ngayon ay pinaghahanap ng pulisya.
Sa ulat ni PO3 Rodelio Lingcong ng Manila Police District -Homicide Section, dakong alas-2:10 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob ng DPWH compound, Punta, Sta Ana.
Nabatid na hindi dalawin ng antok ang biktima kaya naisipang lumabas ng bahay upang magpaÂhangin at habang nakaupo ay biglang sumulpot ang suspek at sinaksak ito sa dibdib.
- Latest