^

Police Metro

Walang shoot-to-kill kay Misuari - Palasyo

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang iniutos na shoot-to-kill-order si Pa­ngulong Benigno Aquino lll laban kay MNLF founding chairman Nur Misuari na napaulat na tatakas papuntang Malaysia,

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang shoot-on-site-order ang Pangulo laban kay Misuari pero bantay-sarado ng mga awtoridad ang karagatan sa Mindanao kaugnay sa ulat na may planong tumakas ni Misuari.

Sinabi ni Valte, hindi hihingin ni Pangulong Aquino ang tulong ng Malaysian government para mabilis na matunton si Misuari sakaling nakatakas nga ito.

Aniya, mananatiling internal pa rin ang pagresolba ng gobyerno sa naganap na paglusob ng MNLF-Misuari faction sa Zamboanga City.

Si Misuari ang itinuturong utak ng pagsalakay ng 5 MNLF commander sa pamumuno ni Habier Malik sa anim na barangay sa Zamboanga City noong Setyembre 9. Natapos ang krisis noong Setyembre 20 o halos tatlong linggo.

Sa naturang bakbakan, 24 ang nasawing security forces habang 194 ang nasugatan, 12 ang patay sa sibilyan at 54 ang sugatan. Nasa 192 MNLF fighters naman ang napaslang at 254 ang sumuko at naaresto.

 

BENIGNO AQUINO

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

HABIER MALIK

MISUARI

NUR MISUARI

PANGULONG AQUINO

SETYEMBRE

SI MISUARI

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with