^

Police Metro

Binatilyo dedo sa rambol

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang isang 17-anyos na bina­tilyo nang masaksak sa pusod sa rambol na naganap sa harapan ng Harbour Square sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Complex, Malate, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Nasawi habang gina­gamot sa Ospital ng May­nila ang biktimang si Bryan De Claro, residente  ng #1690 Pampanga St., Tondo, Maynila.

Kaagad namang ina­resto ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 9 ang itinuturong suspek na itinago sa pa­nga­lang Ri­chard, 15,-anyos, naka­tira sa #573 Alfonso St., Barangay 123,  Pasay City.

Sa salaysay ng  saksing si Jowie Richie Buco, kabarkada ng biktima, nag-iinuman umano sila sa Jazz Simple Ambiance sa Harbour  Square dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang magtungo siya sa comfort room upang umihi.

Sa pagbabalik sa lamesa ay hindi nito sinasad­yang masagi sa kamay ang isa sa grupo ng mga suspek na noon ay nag-iinuman din sa kabilang lamesa. Tumapon umano ang hawak na isang basong beer ng suspek at nabasa ang kanyang t-shirt na naging dahilan ng pagtatalo at suntukan ng magkabilang grupo.

Naawat naman ng bouncer ang suntukan at pinalabas na lamang ng bar ang magkabilang panig pero muling nagkainitan ang dalawang grupo na nauwi sa mas matinding rambulan hanggang tumumba ang biktima dahil duguan ang kanyang tiyan matapos na siya ay pagsasaksakin.

Tumawag ng pulis ang may-ari ng bar na nag­resulta ng pagkakaaresto ng isa sa mga suspek.

Ang biktima naman ay mabilis na isinugod sa pagamutan pero nalagutan din ng hininga ganap na alas-3:28 ng madaling-araw.

Depensa naman ng na­arestong suspek na hindi siya ang sumaksak sa biktima at katunayan ay naawa umano siya kaya inabutan pa siya ng mga pulis na nakaakap sa biktima.

 

ALFONSO ST.

BRYAN DE CLARO

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

HARBOUR SQUARE

JAZZ SIMPLE AMBIANCE

JOWIE RICHIE BUCO

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MAYNILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with