^

Police Metro

2 sundalo inutas sa simbahan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Nasawi ang dalawang tauhan ng Philippine Marines nang pagbabarilin ng mga pinaghihinalaang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa bisinidad ng isang simbahan sa Jolo, Sulu kamakalawa.

Ang mga nasawing sundalo ay kinilalang sina Cpl. Danilo Agustin at Pfc Gilmor Panitan; pawang ng 29th Marine Company sa ilalim ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 9.

Batay sa ulat, dakong alas-11:45 ng umaga ay kasalukuyang nagsasagawa ng security patrol ang dalawang sundalo sa bisinidad ng Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu nang pagbabarilin ng mga suspek.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Brgy. San Raymundo, Jolo, Sulu ay nagawa pang maisugod ng mga kasamahan ang dalawang biktima sa Camp Teodulfo Bautista Station Hospital sa Brgy. Busbus, Jolo pero idineklara na ang mga itong dead-on-arrival.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

BRGY

CAMP TEODULFO BAUTISTA STATION HOSPITAL

DANILO AGUSTIN

JOLO

MARINE BATTALION LANDING TEAM

MARINE COMPANY

MT. CARMEL CATHEDRAL

PFC GILMOR PANITAN

PHILIPPINE MARINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with