Nasa ‘Kleptocracy’ ang bansa - Miriam
MANILA, Philippines -Hindi na democracy ang namamayani sa bansa kundi “kleptocracyâ€.
Ito ang pananaw ni Senator Miriam Defensor-Santiago dahil na rin sa talamak na nakawan ng pondo ng gobyerno kung saan mismong mga mambabatas ang sangkot.
Ginawa ni Santiago ang pahayag sa kanyang talumpati sa 50th golden anniversary ng Colegio de Sta. Rosa, Makati, sa Rockwell Centre.
“Hindi na tayo democracy. Kleptocracy na tayo. Ang mga pulitiko natin, puro kleptocrats,†pahayag ni Santiago.
Mistulang binalewala umano ng mga mambabatas ang judicial system at rule of law ng bansa dahil sa ginawa nilang pag-manipula sa pondo ng gobyerno.
“Nagnakaw ng limpak-limpak na pera, akala nila lagi silang may lusot. Wala nang respeto sa judicial system o sa rule of law,†pahayag ni Santiago.
Tinawag din ni Santiago na mga “moron†ang mga pulitiko na kulang din umano sa physical at intellectual prowess.
Nagbabala si Santiago na magiging isang “failed state†ang Pilipinas kung hindi uusad ang plunder case na isinampa sa ilang mga mambabatas.
Base sa Transparency International ang isang “failed state†ay isang bansa na walang epektibong ‘judicial system’ at the rule of law.
“State failure can be caused by rampant corruption, predatory elites who have long manipulated power, and an absence of the rule of law,†pahayag ni Santiago.
Ibinigay na halimbawa ni Santiago ang mga bansa na maituturing aniyang “failed state†tulad ng Burma at Haiti na talamak umano sa korapsiyon.
- Latest