^

Police Metro

Magsasaka pinatay dahil sa baboy

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Pinagsasaksak ng isang lalaki ang kainumang magsasaka matapos na sitahin ang alagang baboy na sumira sa taniman ng mais nito kamakalawa sa Brgy.Lalab, Dimataling, Zamboanga del Sur.

Nasawi noon din dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Renerio Tubuon, 48-anyos.

Naaresto ang suspek na si Junefer Cortez, 27 residente ng naturang lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga ay magkakasamang nag-iinuman ang biktima, suspek at iba pang kalalakihan sa Purok 1, Brgy. Lalab, Dimataling.

Nang kapwa malasing ay sinita ng biktima ang suspek tungkol sa alaga nitong baboy na sumira sa mga bagong tanim na mais ng una na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng mainitang pagtatalo ay inundayan ng sunud sunod na saksak ng suspek ang biktima na siya nitong ikinamatay.

vuukle comment

BATAY

BRGY

DIMATALING

JUNEFER CORTEZ

LALAB

NAARESTO

NANG

NASAWI

PINAGSASAKSAK

RENERIO TUBUON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with