‘Million People March 2’ sa Makati may permit na
MANILA, Philippines -May permit na para sa “Million People March 2†na gaganapin sa kanto ng Ayala Avenue at Paseo de Roxas sa darating na Oktubre 4 matapos na magÂbigay ang pamahalaang lungsod ng Makati.
Ayon kay Makati City Police chief, Sr. Supt. Manuel Lukban na iniÂhahanda na nila ang paglalatag ng seguriÂdad para sa naturang maÂlaÂking pagtitipon kontra sa “pork barrel†ng MaÂlacañang at ng mga mamÂbabatas.
Kabilang rito ang pagtatalaga ng mga tauhan sa mga istratehikong lugar, pagsasara ng mga kalsada, at paglikha ng “traffic re-routing scheme†para naman sa mga maaapektuhang mga motorista. Nakikipag-ugnayan umano sila ngayon sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) upang magdagdag ng mga tauhan sa lugar lalo na at hanggang gabi ang okasyon.
Mag-uumpisa ang pagkilos dakong alas-3:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi sa darating na Biyernes na itiniyempo sa weekend at sa oras ng uwian ang pagtitipon upang mahikayat ang mga empleyado sa Makati Business District na maÂkilahok sa kilos-protesta at madinig rin ang kaÂniÂlang mga boses.
Hinikayat rin ng mga organizer ang mga mayaÂyamang negosyante at pamilyang naninirahan sa Makati City na sawa na sa maruming sistema ng pamahalaan para maÂkilahok.
Nilinaw naman ng mga organizer na bawal sa pagtitipon ang pag-epal ng mga politiko na makikisakay sa ipinagÂlalaban kontra sa “pork barrelâ€.
- Latest