^

Police Metro

Ika-6 na killer ni ‘Kae’ itinatago

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naniniwala ang Task Force ‘Kae’ na posibleng itinatago ng Muslim communities sa Metro Manila ang kaanak nila na ika-anim na suspek sa pagpatay sa advertising executive na si Kristelle “Kae” Davantes.

Sinabi ni TF ‘Kae’ head, Chief Supt. Christopher Laxa, na hindi nakikipagtulungan sa kanila ang pamilya ng suspek na si Baser Minalang ngu­nit patuloy pa rin ang kanilang “manhunt operations” upang maaresto ito.  Nanawagan si Laxa sa mga kapamilya ni Minalang na isuko na ito upang harapin ang kaso.

Pinakahuling nadakip ng pulisya ang 19-anyos na si Kelvin Joric Evangelista sa isang bus terminal sa Cabanatuan City makaraang isuplong ng kanyang ama bago pa man makaalis ito patungo sa lalawigan ng Aurora.

Sinabi ni Laxa na sapat na ang mga isinampang kasong “qualified car theft at robbery with homicide” sa Department of Justice laban sa mga suspek na sina Minalang, Evangelista, Samuel Decimo, 19; Reggie Diel, 30-anyos; Lloyd Enriquez, 18; at Jomar Pepito, 23-anyos.

Ayon pa sa opisyal, isang baguhang grupo ng mga holdaper na nais magkaroon ng pangalan ang binuo ng mga suspek.  Nag-ooperate ang mga ito sa lalawigan ng Cavite at mga karatig-lungsod sa Metro Manila.

Idinagdag pa nito na hindi pa napag-uusapan kung saan mapupunta ang inilabas na P2.5 milyong reward para sa pagkakalutas sa kaso at pagkakadakip ng mga suspek. 

Sinabi ni Laxa na may proseso pa umano itong dadaanan at hindi pa batid kung sa Task Force ibibigay o sa National Bureau of Investigation (NBI) na siyang unang nakadakip kay Decimo. Kung maila­labas umano ito, sinabi ng heneral na mas nanaisin pa niya na ibigay na lamang ang pera bilang donasyon sa mga naapektuhan ng giyera sa Zamboanga City at sa mga biktima ng landslide sa Olongapo City.

 

 

BASER MINALANG

CABANATUAN CITY

CHIEF SUPT

CHRISTOPHER LAXA

LAXA

METRO MANILA

SINABI

TASK FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with