^

Police Metro

7 dam sa Luzon umapaw

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsiapaw ang tubig sa 7 dam sa Luzon dahil sa walang tigil na buhos ng ulan mula pa ng Linggo dala ng habagat.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Ser­vices Administration (PAGASA), nakapagre­histro ng pagtaas ng tubig mula linggo sa Angat dam sa  Bulacan mula 202.23 meters ay na­ging 202.59 meters, Ipo dam sa Bulacan mula 99.92 meters ay naging 100.06 meters ng tubig, La Mesa dam sa QC na mula 78.88 meters ay naging 79.08 meters, Ambuklao dam sa  Benguet mula 751.56 meters ay naging 751.83 meters, Binga dam sa Benguet mula 573.81 meters ay naging 574.02 meters, Pantabangan dam sa Nueva Ecija mula 200.68 meters ay na­ging 200.86 meters at Caliraya dam sa Laguna mula 287.28 meters ay naging 288.03 meters.

Ayon kay Danny Flo­res, hydrologist ng PAG­ASA na kapag nagpatuloy pa ang pagtaas ng water level sa naturang mga dam ay asahan na ang pagbubukas ng spill gates ng naturang mga dam maliban na lamang sa La mesa dam na walang spill gates.

 

AYON

BENGUET

BULACAN

DAM

DANNY FLO

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SER

LA MESA

METERS

MULA

NUEVA ECIJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with