^

Police Metro

2 Tigok kay ‘Odette’

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippine s- Iniulat kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na dalawa katao ang nasawi sa paglabas sa bansa ng bagyong ‘Odette’.

Kinilala ang mga nasa­wi na sina Alejandro Abalos, 50-anyos at April Kim Ma­nuel, 20 habang patuloy pa ang paghahanap sa dalawa pang nawawala na sina Ele­nita Abalos, 52, at Suzette Abalos, 28 na pawang residente ng Aurora province.

Ayon sa NDRRMC, tumaob ang sinasakyang motor bangka na M/V Mikee Rose 1 ng mga biktima na nagresulta ng pagkamatay ng dalawa at nawawala pa ang dalawa nilang kasama.

Umabot naman sa 4,191 pamilya o 19,778 katao ang naapektuhan ng bagyo sa region 1,2,3,4-B, and CAR. May  kabuuang 96 na kabahayan ang nasira sa Regions 1, 2 at CAR.

Ang mga kalsada sa Regions 2 kabilang ang Isabela; Sta. Maria-Cabagan; Tuguegarao City; Teresi­ta Avenue-Cataggaman ay hindi pa rin nadadaanan sanhi ng pag-apaw ng ilog. Habang sa Apayao Pro­vince; Claveria-Calanasan Road, Carmela section ay hindi madaanan sanhi ng pagguho ng lupa; Kalinga Province; Kalinga-Abra Road; Talalang; Balbalan at Comyas ay hindi na rin madaanan dahil sa patuloy na clearing operations, gayundin sa Benguet Province, Acop-Kabanga-Kipungan-Bacon road.

Sa Region 6, may 13 pa­­milya o 65 indibdwal ang naapektuhan ng buhawi.

 

ALEJANDRO ABALOS

APAYAO PRO

APRIL KIM MA

BENGUET PROVINCE

CLAVERIA-CALANASAN ROAD

KALINGA PROVINCE

KALINGA-ABRA ROAD

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

SA REGION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with