^

Police Metro

Maangas inutas ng ‘pulis’

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Isang 40-anyos na lalaki ang pinagbabaril sa ulo ng isang lalaki na nagpakilalang pulis matapos ang kanilang  mainitang pagtatalo sa isang resto bar sa Malabon City kamakalawa.

Ang biktima na namatay noon din ay nakila­lang si Jimmy Sayson, 40, welder, may-asawa ng Lamcota St., Barangay Concepcion dahil sa mga tama ng bala sa ulo at batok buhat sa kalibre 9mm pistol. Habang tumakas naman ang hindi pa kilalang suspek.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi sa tapat ng Nomo Resto Bar, sa P. Aquino St., Barangay Tonsuya ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek nang sabihin ng una sa biktima na “hindi  mo ako kilala, baka gusto mo paluhurin kita sa asin.”

Dito ay nagpakilala ang suspek sa biktima na siya ay isang pulis at matapos ang pagtatalo ay binayaran ng una ang kanyang bill at lumabas sa bar na lingid sa kaalaman ng biktima na inaabangan pala siya nito.

Habang pasakay ang biktima sa kanyang motorsiklo ay bigla na lamang itong nilapitan ng suspek at pinagbabaril.

Nang mapatay ang biktima ay tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo na may plakang OW-6476,  na may nakasulat sa tagiliran na “donated by Len Len Oreta.”

Inaalam ng mga otoridad kung totoong pulis ang suspek at titingnan  din nila ang CCTV camera  sa kalapit na establisyimento na posibleng nakunan ang krimen.

vuukle comment

AQUINO ST.

BARANGAY CONCEPCION

BARANGAY TONSUYA

BIKTIMA

HABANG

JIMMY SAYSON

LAMCOTA ST.

LEN LEN ORETA

MALABON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with