^

Police Metro

Senate reporters nagsagawa ng black protest

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa mala-diktador na pamamalakad ng Public Information and Information Bureau (PRIB)  na pinamumunuan ni Bureau of Director Raymundo R.Corro ay nagsagawa kahapon ng ‘black protest’ ang mga miyembro ng media na nagko-cover sa Senado.

Nagkaisa kahapon ang mga miyembro ng Senate media na magsuot ng kulay itim na damit para i-protesta ang banta ng tanggapan ni Corro na tatanggalan ng media accreditation ang sinumang mag i-interview sa sinumang senador habang may sesyon kahit pa sa gilid lamang ng session hall.

Tinangka ng mga miyembro ng media na makuha ang panig ni Senator Ramon Bong Revilla Jr. tungkol sa kinakaharap na kasong plunder habang nakaupo ito malapit sa gilid ng plenaryo na naging dahilan upang magpalabas ng media advisory si Corro.

Nabatid na simula nang manungkulan si Senate President Franklin Drilon, ipinagbawal nito  ang nakagawiang pag-iinterview sa mga senador sa loob ng plenaryo bago magsimula ang sesyon kahit pa nagagawa ito sa mga nagdaang Kongreso.

Mistulang sinasala na ng PRIB ang mga senador na nais nilang ipa-interview sa media na dinadala sa isang itinalagang briefing room. Maging si Senator Vicente “Tito” Sotto ay pumalag sa ginagawa  ng PRIB sa media at tumayo ito sa plenaryo kahapon upang paalalahanan ang nasabing tanggapan.

BUREAU OF DIRECTOR RAYMUNDO R

CORRO

DAHIL

DRILON

KONGRESO

MEDIA

PUBLIC INFORMATION AND INFORMATION BUREAU

SENATOR RAMON BONG REVILLA JR.

SENATOR VICENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with