Dalagita ni-rape/slay ng obrero
MANILA, Philippines - Isang 12-anyos na daÂlagita ang walang awang giÂnahasa at pinatay ng isang construction worker kamakailan sa MunÂtinlupa City.
Ang biktima ay nakilaÂlang si Stephanie Cristel, ng 207 T. Molina St., ng lungsod.
Naaresto naman ang suspek sa isang folÂlow-up operation na nakilalang si Reynante Odono, 26, na naninirahan sa 7-A Extension Ilaya St., BaÂrangay Alabang ng lungsod matapos itong ituro ng isang testigo. Kinasuhan na ito ng murder at rape.
Batay sa imbestiÂgasÂyon, noong Biyernes ng alas-3:30 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng dalagita sa ikalawang palapag ng ginagawang gusali malapit lamang sa kaniÂlang bahay.
Bago ito, pinasok ng suspek dakong alas-3:00 ng madaling-araw ang bahay ng biktima na noon ay mahimbing na natutulog sa unang paÂlapag ng kanilang bahay habang natutulog sa ikalawang palapag ang kanyang mga magulang.
Binuhat ng suspek ang dalagita patungo sa giÂnaÂÂgawang gusali at dito isinagawa ang pangÂhahaÂlay.
Nang manlaban ang biktima ay sinakal siya ng suspek hanggang sa mamatay.
Nabatid pa narinig ng tiyahin ng biktima na si Alma Elba ang pagÂsigaw ng pamangkin kaya’t giÂnising niya ang ama upang hanapin ito.
Natagpuan naman ni Ronald ang anak na guÂlagulanit na ang damit at wala ng malay kaya’t mabilis nilang isinugod sa Alabang Medical CenÂÂter subalit idiÂneklarang dead-on-arrival ito.
Kaagad na nadakip ang suspek matapos lumutang ang isang testigo na naÂkakita dito na karga ang dalagita na una niyang inakala na bagahe ito.
- Latest