^

Police Metro

Niratrat sa loob ng NBP compound… BUCOR opisyal utas sa ambush

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Hindi na umabot ng buhay sa Medical Center of Muntinlupa ang isang mataas na opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) nang ito ay pagbabarilin ng dalawang lalaki sakay ng isang motorsiklo sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) Compound sa Muntinlupa City kahapon ng umaga.

Ang nasawi ay kinilalang si Col. Francisco Abonales na nagtamo ng limang tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga ay palabas ng kanyang garahe sa tinutuluyang bahay sa loob ng Vicar Village sa NBP Compound sa Poblacion, Muntinlupa ang biktima sakay ng kanyang Mitsubishi Pajero nang harangin ng dalawang lalaki lulan ng isang motorsiklo at agad itong paulanan ng bala.

Nang masigurong ng mga suspek na napuruhan nila ang biktima ay mabilis na nagsitakas habang sinaklolohan naman ng mga residente ang biktima at naisugod sa pagamutan.

Ayon sa ulat, ang biktima ay dating warden ng Sablayan Penal Co­lony sa Mindoro ngunit na-relieved sa kanyang posisyon nitong Hunyo makaraang mapatay ang isang inmate na si Robert Ho habang nasa labas ng kulungan at namamalengke.

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

FRANCISCO ABONALES

MEDICAL CENTER OF MUNTINLUPA

MITSUBISHI PAJERO

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISONS

ROBERT HO

SABLAYAN PENAL CO

VICAR VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with