^

Police Metro

2 minero dinedo sa sementeryo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa loob ng isang semen­teryo pinagbabaril at napatay ang dalawang minero kamakalawa sa Purok 1, Poblacion, Barobo, Surigao del Sur.

Isa sa nasawi ay kinilalang si Julius Alegarme Tuyor, 25, gold panner ng Poblacion, Barobo habang inaalam pa ang pagkakaki­lanlan ng kasama nito.

Batay sa ulat, bandang alas-6:00 ng umaga nang makatanggap ng tawag sa telepono ang Barobo Police hinggil sa pagkakatagpo sa bangkay ng dalawa sa loob ng Dabasa Balahay Cemetery.

Nang siyasatin ng pulis­ya, ang bangkay ni Tuyor na may mga tama ng bala sa noo, ulo at mga braso nito kung saan ay inilagay pa ang labi nito sa loob ng isang nakabukas na nitso.

Habang isa ay natagpuan dakong alas-8:00 ng umaga may ilang metro mula sa bangkay ni Tuyor sa bahagi naman ng damuhan sa naturang sementeryo na may tama ng bala sa dibdib, ulo, hita at iba pa.

 

BAROBO

BAROBO POLICE

BATAY

DABASA BALAHAY CEMETERY

HABANG

ISA

JULIUS ALEGARME TUYOR

NANG

PUROK

TUYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with