^

Police Metro

Kidnaper napatay, 3 tiklo sa rescue operation

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matagumpay na nasagip ng mga otoridad ang isang 73-anyos na may-ari ng drug store sa kamay ng kanyang mga kidnaper na kung saan ay napatay ang isa habang nadakip ang tatlo sa isang rescue ope­ration sa Midsayap, North Cotabato, kamakalawa.

Kinilala ang nasagip na negosyante na si Mano­lita  Cedeño, may-ari ng Royal Drug Store na mata­tag­puan sa kahabaan ng Rizal St., Midsayap.

Ang napatay na kidna­per ay kinilalang si Jelon Pasandalan ng Brgy. Pulon, Pikit. Habang nadakip ang tatlong kasama nito na sina Mohammad Pagayao, trisikad driver ng Cotabato City; Digo Bangcal ng Pikit, North Cotabato at Adam Sansaluna.

Batay sa ulat ni North Co­tabato Police Director P/Sr. Supt. Danilo Peralta, dakong alas-6:00 ng gabi ay lulan ang negosyante ng kanilang pick-up na behikulo na minamaneho ng driver na si Allan Ceballos kasama ang isang sales­lady pauwi na sa kanilang bahay matapos magsara ng drug store.

Pagbaba ng driver upang buksan ang gate ay su­mulpot ang apat na armadong kala­lakihan at pinukpuk sa ulo ng cal. 45 pistol ng isa sa mga kidnapper ang ulo ng driver  saka tinangay ang matanda.

Nag-report naman ang ilang residente kay PO3 Ulysses Coronado ng Traffic Section ng Midsayap Police sa komosyon sa loob ng behikulo na naipit sa trapiko at paghingi ng saklolo ng matandang lulan nito.

Nagresponde si Coronado na akmang sisitahin ang behikulo nang magsibaba ang nagpanik na mga kidnapper at dito na nagkaroon ng shootout at napatay ang isa sa mga suspek habang nasakote naman ang papatakas na dalawa at ang ikatlo ay  sa follow-up operations.

 

vuukle comment

ADAM SANSALUNA

ALLAN CEBALLOS

COTABATO CITY

DANILO PERALTA

DIGO BANGCAL

DRUG STORE

JELON PASANDALAN

NORTH COTABATO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with