Obrero dinedo ng kabaro
MANILA, Philippines - Dedo ang isang obrero makaraang pagsasaksakin ng kanyang kapwa obrero sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang bikÂtima na si Philmore Martinez, 35, may-asawa, residente ng #150 Espirito Camp, Philand Extension, Brgy. Pasong Tamo, sa lungÂsod.
Arestado naman ang suspek na si Jorge Quintana, 27, residente ng MunÂsayac Compound PhiÂland Extension, sa lungsod.
Ayon kay PO2 Julius Balbuena, may hawak sa kaso, naganap ang insidente alas-11:00 ng gabi sa harap ng tahanan ng biktima.
Sinasabing naglalakad papauwi ang biktima sa kanilang tahanan nang harangin siya ng suspek at pagsasaksakin ng ice pick sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
- Latest