^

Police Metro

Kotse ni Kae nakita na

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines Nakita na ang kotse ng pinaslang na advertising executive na si Kristelle “Kae” Devantes sa loob ng isang subdibisyon sa Las Piñas City kahapon ng umaga.

Ayon kay Las Piñas Police chief, Sr. Supt. Adol­fo Samala, natagpuan ang silver Toyota Altis (PIM 966) sa kanto ng Nickel at Silver Streets sa Camella Homes sa Brgy. Pamplona 3 ng naturang lungsod.

Ipinaalam naman ng pulisya sa pamilyang De­vantes na naninirahan sa Moonwalk, sa naturang lungsod, ang pagkakatagpo sa sasakyan ng Kae.

Agad namang nagtu­ngo sa lugar ang mga magulang ng biktima at kinikilala ang mga personal na gamit na nasa loob ng sasakyan.

Tinangkang sunugin ng mga salarin ang kotse dahil sa sunog na ang dash­board nito.

May mga damit na pambata na ibi­na­bad sa diesel ang natagpuan sa loob ng kotse habang binaklas ang mga upuan.

Hawak na ngayon ng mga imbestigador ng Task Force Kae ang nasabing kotse at nanga­ngalap pa ng dagdag na impormasyon upang  ma­kakuha ng lead sa ikalu­lutas ng kaso.

Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima sa Bonifacio Global City sa Taguig bago mag-isang umalis sakay ng kanyang kotse hanggang sa makita ang bangkay nito sa gilid ng tulay sa Cavite City.

vuukle comment

BONIFACIO GLOBAL CITY

CAMELLA HOMES

CAVITE CITY

LAS PI

SHY

SILVER STREETS

SR. SUPT

TASK FORCE KAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with