^

Police Metro

Pusher tumba sa parak

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang sinasabing talamak na drug pusher ang nagwala sa ka­nilang lugar, dala ang isang granada at dalawang baril ang napatay ng ru­mes­pondeng mga tauhan ng Manila Police District Station 10, sa Pandacan, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Alexander Aquero, alyas “Al Katorse”, 40-anyos, residente ng #2611 Jesus St., Pandacan.

Narekober mula kay Katorse ang isang Granada, isang kalibre 45 at isang kalibre .38 pistola, dalawang plastic ng shabu  na nasa loob ng kaniyang itim na shoulder bag.

Sa ulat ni SPO2 Glenzor Vallejo, ng MPD-Homicide Section, habang nasa checkpoint umano ang mga miyembro ng Beata Police Community Precinct ay inatasan silang rumesponde sa  tawag ng ilang residente hinggil sa pagwawala ni Aquero na may dalang baril.

Agad namang tinungo nina SPO1 Neil Sumagaysay, PO3 Fred Martinez, PO1 Hashouba Sharief at PO1 Donato Jethro Tabinas ang lugar dakong alas-10:30 ng gabi, kung saan sinalubong umano sila ng putok ng nagwawalang si Aquero.

Dahil sa bilis naman ni Sumagaysay na isang mi­yembro ng Special Action Force Batch ’91 ay nakaganti agad ito ng putok na tumama sa dibdib ni Aquero na ikinabuwal nito.

Naitakbo pa sa Ospital ng Maynila si Aquero su­balit bandang alas-12:55 ng madaling-araw ay idi­neklara na itong patay.

Sa impormasyon, takot umano ang mga residente sa lugar kay Aquero lalo na kapag nalalasing ito na madalas naghahamon ng away.

Hindi umano lingid sa kalaaman ng mga residente ang pagiging tulak umano ng shabu ng nasawi.

vuukle comment

AL KATORSE

ALEXANDER AQUERO

AQUERO

BEATA POLICE COMMUNITY PRECINCT

DONATO JETHRO TABINAS

FRED MARTINEZ

GLENZOR VALLEJO

HASHOUBA SHARIEF

HOMICIDE SECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with