^

Police Metro

Ex-colonel bulagta sa tandem

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ang isang retiradong Colonel ng Philippine Army ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo sa naganap na ambush kamakalawa sa Amansec Road, Brgy. Buenlag, Mangaldan, Pangasinan.

Namatay noon din ang biktima na nakilalang si ret. Lt. Col. Adelio Amansec, 64-anyos dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan mula sa cal. 45 pistol.

Sa ulat, dakong alas-12:20 ng tanghali ay nagla­lakad ang biktima sa kahabaan ng Amansec Road, Brgy. Buenlag, Mangaldan, patungo sa isang tindahan nang sumulpot ang dalawang lalaki na magkaangkas sa kulay pula at itim na Honda Wave motorcycle na walang plaka.

Pagtapat sa biktima ay agad pinagbabaril ng mga salarin at ng masigurong patay na ay mabilis na nagsitakas sa lugar.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang  mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya kung sino ang mga suspek at ang motibo ng pagpatay.

vuukle comment

ADELIO AMANSEC

AMANSEC ROAD

BRGY

BUENLAG

HONDA WAVE

MANGALDAN

NAMATAY

NAREKOBER

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with