^

Police Metro

Force evacuation ipinatupad sa Zambo siege

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinatupad na kahapon ng Crisis Management Council (CMC) ang “force evacuation” sa anim na barangay na itinuturing na “critical zone” kaugnay ng krisis sa Zamboanga City na patuloy ang paglala ng gulo dulot ng paghahasik ng MNLF  Misuari breakaway group.

Nabatid na umaabot na sa 5,348 pamilya o katumbas  na 24,704 ang inilikas na mga apektadong residente sa siyudad at Zamboanga City Sports Complex pa lamang ay may kabuuan ng  15,000 evacuees na naunang nagsilikas na kasaluku­yang kinukupkop umpisa pa noong Lunes sa pag-atake ng grupo ng limang Commander ng MNLF breakaway group sa pamumuno ni Habier Malik.

Kabilang sa libu-libong inilikas na mga sibil­yan ay mula sa mga lugar sa Brgys. Sta Barbara, Sta Catalina, Mampang, Talon-Talon, Rio Hondo at iba pang bahagi ng Tugbungan upang walang madamay na sibilyan na maipit sa bakbakan sa pagitan ng tropa ng militar at ng pulisya na idineploy sa lugar.

Samantala, umaabot na sa 21 ang nasawi habang 69 pa ang sugatan sa Zamboanga City siege na nasa ikalimang araw na kahapon at sa spillover ng gulo sa Lamitan City, Basilan.

Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Domingo Tutaan Jr., sa Zamboanga crisis  ay dalawa ang nasawi sa AFP, 3 sa PNP at dalawang sibilyan habang sa MNLF breakaway group ay nasa 11 ang napaslang  o kabuuang 18 death toll umpisa noong Lunes hanggang sa kasalukuyan.

Nasa 28 na sundalo, anim sa PNP habang nasa 34 naman sa hanay ng mga sibilyan ang nasugatan.

Sa ikalawang araw ng spillover sa Basilan ng paghahasik ng karahasan ng nagsanib puwersang mga bandidong Abu Sayyaf, Moro National Liberation Front (MNLF) at Bangsamoro Islamic Freedom Figthers (BIFF) sa Brgy. Colonia, Lamitan City, Basilan ay isang miyembro ng Civilian Volunteer Organization  (CVO) ang napaslang at tatlo naman sa panig ng mga kalaban.

ABU SAYYAF

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGTHERS

BASILAN

CIVILIAN VOLUNTEER ORGANIZATION

CRISIS MANAGEMENT COUNCIL

DOMINGO TUTAAN JR.

HABIER MALIK

LAMITAN CITY

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with