^

Police Metro

5 sundalo sugatan sa landmine/ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasugatan ang limang sundalo na ang apat sa kanila ay nasabugan ng bomba na itinanim ng mga rebeldeng New People’s Army kasabay ng pagpapaulan ng bala sa naganap na ambush sa San Miguel, Surigao del Sur  kahapon.

Kinilala ni Captain Christian Uy, acting Spo­kesman ng Armys 4th Infantry Division (ID) ang mga nasugatan na sina  Corporal Saham Baginda; Pfc Wilmer Martinez; Pfc Louie Baldivino at Pfc Renan  Villarino; pawang nasabugan ng landmine at ang nasugatan sa bala ay nakilala naman sa apel­yido nitong Pfc Tagbe na pawang kasapi ng Armys 36th Infanty Battalion.

Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga kasalukuyang nagsasagawa ng security /combat ope­ration ang 36th IB sa pamumuno ni 2nd Lt. Marian Victor Mancia sa liblib na lugar ng Brgy. Siagao, San Miguel ng lalawigang ito nang pasabugan ng landmine ng mga rebelde.

Kasunod ng pagsabog  ay pinaulanan din ng bala ng mga rebelde ang tropa ng pamahalaan. 

Sa kabila naman ng sorpresang pag-atake ay nakipagpalitan ng putok ang iba pa sa mga sundalo na tumagal ng mahigit sampung minuto ang bakbakan bago nagsiatras ang NPA rebels.

vuukle comment

ARMYS

CAPTAIN CHRISTIAN UY

CORPORAL SAHAM BAGINDA

INFANTRY DIVISION

INFANTY BATTALION

MARIAN VICTOR MANCIA

NEW PEOPLE

PFC LOUIE BALDIVINO

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with