^

Police Metro

Rider lasog sa steel plates

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -Lasog ang katawan ng isang 38-anyos na lalaki matapos na bagsakan ng mga steel plates na karga ng isang 6-wheeler truck na tumagilid kahapon ng umaga sa San Andres, Maynila.

Ang biktima na namatay noon din ay nakilalang si Manolito Tupaz, 38,  ng no. 2175 Road 12, Fabie Estate, Sta. Ana,
May­nila habang nilalapatan ng lunas ang backrider na si Ronald Cestuto sa Ospital ng Maynila.

Ang suspek na sumuko ay nakilalang si Alex  Damaso, 49, ng Waling-wa­ling St., Caloocan City, driver ng Isuzu Elf
(TDT-721).

Sa ulat, dakong  alas-10:20 ng umaga na­ga­nap ang  insidente sa intersection ng Osmena Highway at San Andres, Maynila.

Nabatid na galing sa south ang kulay asul na Isuzu Elf nang ma­wa­lan umano ng preno kaya’t kinabig ito paka­li­­wang direksiyon ni Da­maso na eksaktong naka-red light na, suba­lit tumagilid ang truck na bunga ng mabigat na
kar­gamentong bakal ay dumausdos pabagsak sa ka­tabing motorsiklo ni Tupaz.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

FABIE ESTATE

ISUZU ELF

MANOLITO TUPAZ

MAYNILA

OSMENA HIGHWAY

RONALD CESTUTO

SAN ANDRES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with