^

Police Metro

Tatay pinatay ng anak

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Tinadtad ng bala ng isang 44-anyos na anak ang ama nitong 63-anyos matapos na magtalo sila sa hindi pa mabatid na dahilan naganap kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Namatay habang nila­lapatan ng lunas sa Asian Hospital ang biktimang si Antonio Antonio, ng no. 118 Concha Cruz Drive, BF Homes, Brgy. BF Homes, Brgy. Almanza 1, ng lungsod dahil sa tinamong limang tama ng bala ng caliber super .38 sa katawan.

Ang suspek na sumuko sa pulisya dala ang baril na ginamit ay nakilalang si  Nelson Antonio, 44-an­yos, ng Lot 13, Block 78, Rafael Reyes St., BF Homes, Brgy. Almanza I. 

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa bahay ng nakakatandang Antonio.

Sa pahayag ng security guard ng BF Homes na si Ramil Borris, narinig niyang nagtatalo ang mag-ama kung saan sumigaw ang suspek ng katagang: “lagi na lang ako.”

Magkakasunod na putok ng baril naman ang sumunod na umalingaw­ngaw hanggang sa lumabas ng kanyang opisina ang biktima at hinahabol pa ng anak bitbit ang baril.

Humingi ng responde ang mga security guard sa pulisya na nagtungo sa lugar sanhi upang masakote ang nakababatang Antonio. 

Sa ulat, kamakalawa ng gabi nang magsimulang barilin ng suspek ang gate ng kanyang bahay na natigil lamang nang dumating ang ama na nagbanta na ipapaaresto ito.

vuukle comment

ALMANZA

ALMANZA I

ANTONIO ANTONIO

ASIAN HOSPITAL

BRGY

LAS PI

NELSON ANTONIO

RAFAEL REYES ST.

RAMIL BORRIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with