^

Police Metro

8 tauhan ni Nur napatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Nasawi ang walong miyembro ng Moro National Li­beration Front (MNLF) breakaway group ni Nur Misuari matapos na ma­kipagpalitan ng putok sa tropa ng militar sa Zamboanga City.

Ayon kay AFP Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Lt. Col. Ramon Zagala II, isang bangkay ng MNLF ang narekober sa likod ng Zamboanga Medical Center kamakalawa habang ang pito ay napaslang sa palitan ng putok ng tropa ng Special Operations Group (SOG) ng Philippine Navy sa ka­ragatan ng Rio Hondo dakong ala-1:45 ng madaling-araw.

Sa nasabing engkuwentro ay napatay ang isang tauhan ng SOG ng Philippine Navy na sumagupa sa nasa 60 armadong MNLF na lumusob sa Rio Hondo.

Nabatid na tumila­pon umano sa dagat ang bangkay ng pitong MNLF at nabigo ang tropang gobyerno na marekober ang mga ito.

Bukod sa napatay na tauhan ng Philippine Navy ay isa ring tauhan ng PNP-Special Action Force (PNP-SAF)  at apat na sibilyan ang namatay habang nasa 24 pa ang nasugatan na karamihan ay mga sibilyan.

Sa ikatlong araw ng standoff ay patuloy ang manakanakang putukan sa pagitan ng security forces at ng MNLF rebels na tu­manggi pa ring lisanin ang lungsod.

Samanatala, dapat an­yang sumuko muna ang mga tauhan ni Misuari bago i-pullout ng AFP ang mga tangke at ang tropa ng mga sundalo sa ilan pang mga barangay na inookupa at ginagawang hostages ang mga residente.

Nanindigan si Zagala na malinaw ang direktiba ng AFP headquarters na hindi magpu-pullout ang security forces upang mapangalagaan ang seguridad ng mamamayan ng lungsod at maging ang mga pangunahing instalasyon ng gobyerno dito.

Sa kasalukuyan, ayon sa opisyal ay inookupa pa ring ng nasa 180 pang MNLF rogue elements ang Brgy. Talon-Talon, Sta Catalina, Sta. Barbara at Kasangyaan.

 

CHIEF LT

MORO NATIONAL LI

NUR MISUARI

PHILIPPINE NAVY

PUBLIC AFFAIRS OFFICE

RAMON ZAGALA

RIO HONDO

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with