^

Police Metro

CEO pinatay sa bahay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 35-anyos na executive ng isang kumpanya ang natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay sa Las Piñas City.

Ang biktima ay nakilalang si Edralin Adriano, chief executive officer ng kumpanyang Technical Support Group Global  at  residente ng no. 26 Sampaguita St., San Antonio Valley 17, Brgy. Talon 4, ng lungsod.

Sa naantalang ulat ng Investigation Section ng Las Piñas Police, natagpuan ang bangkay ni Adriano dakong alas-10:00 noong Sabado ng umaga sa loob ng kanyang bahay matapos na madiskubre ng amain nito na si Ronnie Moreno, 50-anyos.

Ang biktima ay nagtamo ng malaking sugat sa ulo dulot ng pagpalo ng isang matigas na bagay na siyang ikinasawi nito. 

Nawawala ang mga mamahaling gamit ng biktima kabilang ang Mac book laptop, at mga cellular phones at maging sasakyan nitong Izusu Alterra (UHE-737) ay nawawala rin sa garahe na hinihinalang tinangay rin ng mga salarin sa kanilang pagtakas.

vuukle comment

ADRIANO

EDRALIN ADRIANO

INVESTIGATION SECTION

IZUSU ALTERRA

LAS PI

RONNIE MORENO

SAMPAGUITA ST.

SAN ANTONIO VALLEY

TECHNICAL SUPPORT GROUP GLOBAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with