Panibagong petisyon vs PDAF isinampa sa SC
MANILA, Philippines - Naghain ng panibagong petisyon sa Supreme Court (SC) ang dating alkalde ng Boac, Marinduque na humihiling na ideklarang ‘unconstitution’ ang Priority Development Assistance Fund (PDDF).
Itinuturing ni dating Mayor Pedrito Nepomuceno na “Mother of all Corruptions†ang PDAF o Pork Barrel.
Sa 7-pahinang petisyon ni Nepomuceno, hiniling nito na magpalabas ng ‘Cease and Desist Order (CDO) ang SC para kay Pangulong Benigno Aquino III, legislative at executive departments sa pagpapalabas ng pondo.
Aniya, dapat ay diretsong i-release ang PDAF sa mga local government units para magamit na pondo sa ‘priority projects’.
Ang petisyon ni Nepomuceno ay ikatlo na sa humihiling ng abolisyon ng PDAF system sa bansa.
- Latest















