^

Police Metro

Salvage victim, natagpuan sa QC

Ricky T. Tulipat at Jam Krisette Nuñez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang lalaki na biktima ng summary execution ang natagpuang nakabalot ng packaging tape ang buong katawan at itinapon sa isang hukay sa Brgy. UP Campus, sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Walang damit at nakasilid sa garbage bag ang biktima na tinatayang nasa edad na  40-45, may taas na 5’3 at may tattoo sa kaliwang braso na may nakaukit na Jon-Jon.

Ayon kay PO2 Rhic Roldan Pittong, may hawak sa kaso, nadiskubre ang biktima  dakong alas-9:30 ng umaga sa isang hukay sa kahabaan ng Commonwealth Ave., Brgy. UP Campus sa tapat ng Asian Institute of Tou­rism.

Ayon sa isang jeepney driver, nasiraan umano ang minamaneho niyang jeep sa lugar nang mapansin niya ang isang garbage bag na nakatapon sa may hukay.

Unang inakala na isa lamang itong basura pero nang lapitan niya ay napuna na ang laman ay tao kaya agad na ini-report ang nakita sa opisyal ng barangay na si Edward Patron.

Ipinagbigay-alam naman ni Patron ang pangyayari sa Quezon City Police District,  Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) para sa imbestigasyon.

Sa pagsisiyasat naman ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nabatid na nagtamo ang biktima ng sampung tama ng saksak sa dibdib at malalim na marka ng pagkakasakal sa leeg.

ASIAN INSTITUTE OF TOU

AYON

BRGY

COMMONWEALTH AVE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

EDWARD PATRON

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RHIC ROLDAN PITTONG

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with