^

Police Metro

Bunso, dedo sa suntok ng kuya

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang isang empleyado ng gobyerno makaraang pagsusuntukin ng kanyang kuya sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Hindi na nakarating ng buhay nang dalhin sa Pagamutan Bayan ng Malabon  si Francisco Domingo,  41, binata, miyembro ng Civil Security Unit ng Ma­labon City Hall at residente  ng #5 Leonio St. ng nasabing barangay.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na si Roby Domingo, 49,  kuya ng biktima, isang mekaniko at residente ng #8 Borromeo St., Barangay Longos Malabon City.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni SP04 Ferdinand Espiritu, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-5:30 hapon sa nasabing lugar.

Sinasabing nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkapatid hanggang sa walang habas na pagsusuntukin ng kuya si bunso na hindi naman lumaban.

Habang sinusuntok umano ng kuya si bunso ay nanikip ang dibdib nito hanggang sa hindi na tulu­yang makahinga at nalagutan ng hininga.

vuukle comment

BARANGAY LONGOS MALABON CITY

BORROMEO ST.

CITY HALL

CIVIL SECURITY UNIT

FERDINAND ESPIRITU

FRANCISCO DOMINGO

LEONIO ST.

MALABON CITY

PAGAMUTAN BAYAN

ROBY DOMINGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with