^

Police Metro

Barangay hall niratrat: Kapitan todas, 3 sugatan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang barangay chairman habang tatlo ang nasugatan kabilang ang isang 2-anyos na batang lalaki matapos tamaan ng ligaw na bala nang ratratin ang barangay hall ng dalawang lalaki kahapon ng umaga sa Balut, Tondo, Maynila.

Ang nasawi ay nakilalang si Barangay 103, District 1 Chairman Rolando Reyes, 53, habang nilalapatan ng lunas sa magkakahiwalay na pagamutan ang misis nitong si Marilou Reyes, 50; Juanito Fausto, 41,  barangay tanod at Adrian Daguio, 2-anyos, pawang mga residente ng no. 2142 Rodriguez St., Balut, Tondo, Maynila.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-9:05 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng barangay hall, kung saan naroon ang mag-asawang biktima at isa sa dalawang suspek ang agad na
pinaputukan si Chairman Reyes na nagtamo ng bala sa katawan at nadaplisan naman ang misis nito sa kanang bukong-bukong. Nang makita ito ni Fausto ay hinabol ang mga suspek kung kaya’t binaril din siya na tinamaan sa kanang binti at ang isang ligaw na bala ay tumama sa bata sa ulo na kasalukuyang naglalaro sa labas ng barangay hall.

vuukle comment

ADRIAN DAGUIO

BARANGAY

CHAIRMAN REYES

CHAIRMAN ROLANDO REYES

FAUSTO

JUANITO FAUSTO

MARILOU REYES

MAYNILA

NAMATAY

RODRIGUEZ ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with