^

Police Metro

8 pugante nadakip, 14 pa tugis

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naaresto na ng mga otoridad ang 8 sa 22 pu­mugang preso sa Valencia City, Bukidnon habang patuloy ang pagtugis sa 14 iba pa na itinuturing na mapanganib dahil sa pawang armado.

Sa ulat, kinilala ni PNP Public Information Office (PIO) Chief P/Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac ang mga puganteng na­aresto na sina Albert Espinosa; Roel Llacuna; Rogelio Tayros; Jamal Sam­barani; Carlos Lubos, Ronald Ga; Jorem Baros at Reymart Balmes.

Pinaghahanap naman sina Khalid Anggao; Teofisto Villamero; Rodney Trinidad; Name Usop; Ka­irama Usop; Dionesio Dau­long; Macxie Maca­rampat; Jeffrey Odagon; Ronnie Recibdo; Abdul Nas­ser Roquero; Jenie Armecin; Marlon Canoy; Papaw Sarip at isang inaalam pa ang pangalan.

Magugunita na noong Miyerkules nang alas-3:30 ng hapon ay pumuga ang 22 preso sa Valencia City Jail matatagpuan sa Brgy. Pinatilan ng lungsod na nabanggit.

Ang mga pumuga ay dumalo sa Alternative Lear­ning School (ALS) sa loob ng compound at matapos ang pagtuturo ay nagpaalam ang ilan sa mga pugante na magtutungo sa banyo.

Gayunman, pinukpok ng mga ito ang ulo ng mga jailguards at inagaw ang susi ng armory kung saan limang cal. 9 MM pistol at anim na shotgun ang nagawa ng mga itong ta­ngayin sa kanilang pagtakas sa pamamagitan ng pag-akyat sa pader sa likuran saka nagpanakbuhan sa bukid.

 

vuukle comment

ABDUL NAS

ALBERT ESPINOSA

ALTERNATIVE LEAR

CARLOS LUBOS

CHIEF P

DIONESIO DAU

JAMAL SAM

JEFFREY ODAGON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with