^

Police Metro

Pugante pumalag sa aresto, patay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Isang bala sa ulo at katawan ang naging dahilan ng kamatayan ng isang 21-anyos na lalaki na pugante makaraang mabaril ng isa sa umaarestong pulis nang umano ay mang-agaw ng baril ng isa pang pulis, kamakalawa sa Taguig City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Rjay Bassi, residente ng Addition Hills, Mandaluyong City na nahaharap sa kasong pagnanakaw sa Mandaluyong City Police.

Batay sa ulat, una nang tumakas sa Mandaluyong City Police detention cell si Bassi kamakailan at naka­rating sa pulisya ang impor­masyon na nagtatago si Bassi sa Palar Village sa Taguig City.

Nakipagkoordinasyon sina PO2s Edward Saligo at Edward Pasco sa Taguig Police upang magsagawa ng operasyon para muling madakip si Bassi at dakong ala-1:30 kamakalawa ng hapon nang masukol si Bassi sa may Chieftain Street, Group 3, Palar Village, Taguig.

Nang lumapit ang da­la­wang pulis ay inagaw umano ni Bassi ang baril ni Saligo, ngunit bago nito maiputok ang baril ay naunahan na siya ni Pasco na agad pinaputukan na naging sanhi ng kamata­yan nito.

 

vuukle comment

ADDITION HILLS

CHIEFTAIN STREET

EDWARD PASCO

EDWARD SALIGO

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY POLICE

PALAR VILLAGE

RJAY BASSI

TAGUIG CITY

TAGUIG POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with