Bomber naputulan ng ulo sa pagsabog
MANILA, Philippines -Isang lalaki na hinihinalang bomber ang nagutay ang katawan at natanggaÂlan ng ulo matapos na suÂmabog ng wala sa oras ang bombang itinatanim nito sa national highway ng LaÂbangan, Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi.
Batay sa ulat, dakong alas-9:35 ng gabi nang maÂganap ang pagsabog sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Tapodoc, LabaÂngan ng lalawigan.
Sa pagresponde ng mga otoridad ay narekober ang isang 60 MM mortar shell at cell phone na ginawang triggering device at gutay ng katawan at walang ulo na lalaki na hinihinalang siyang may dala ng bomba na sumabog.
Inaalam ang pagkakaÂkilanlan ng nasabing lalaki at ang grupong kinabibilaÂngan nito.
Sa pagsasagawa ng clearing operations ay isa pang bomba ang narekober may 15 metro mula sa explosion site na mabilis namang naiÂdetonate ng mga awtoridad dakong ala-1:30 ng madaling-araw kahapon.
- Latest