^

Police Metro

3 pa grabeng nasugatan… 3 todas sa hotel holdap

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Tatlong katao ang nasawi na kinabi­bilangan ng dalawang holdaper at isang kahera matapos na nauwi sa shootout ang holdapan sa isang hotel sa Batangas City kahapon ng mada­ling-araw.

Ang mga nasawi ay tinukoy sa panga­lang Donna Blancaflor, kahera sa hotel na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at tiyan at dalawa sa tatlong suspek na inaalam pa ang pagkakakilanlan. 

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Justin Macalintal at Christian Jay Velia,18; pawang roomboys ng hotel na nilalapatan ng lunas sa Batangas Regional Hospital.

Nadakip naman ang ikatlong suspek na nakilalang si Israel Aquino, 18 na nasugatan sa shootout ng mga nagrespondeng pulis.

Batay sa ulat, dakong ala-1:45 ng madaling-araw nang pasukin at hol­dapin ng tatlong lalaki ang Richland Travel Lodge  na matatagpuan sa Brgy. Soro-Soro Karsada sa nasabing lungsod.

Dito ay agad na pinagbabaril ang kahera na si Donna matapos na manlaban ito.

Nakatanggap naman ng tawag sa telepono dakong alas-2:35 ng mada­ling-araw ang himpilan ng pulisya mula kay Mr. Noel Cantos, may-ari ng  travel lodge at ini-report ang panghoholdap.

Ayon kay Cantos na patungo na siya sa pier ng Batangas City para sunduin ang isa nilang kustomer nang tumawag ito sa information desk na nagawa pang maiangat ni Donna at narinig niya ang kanilang kahera na sumisigaw ng tulong bago ang mga putok ng baril.

Agad namang tuma­wag sa himpilan ng pu­lis­ya si Cantos na nagma­madali ring bumalik sa kaniyang travel lodge na habang papasok ay nakita pa ang papatakas na mga suspek na magkakaangkas sa motorsiklo kung saan ay hinarang niya ang kaniyang behikulo sa daraanan ng mga ito.

Pinaputukan ni Cantos ang mga holdaper kung saan isa sa mga suspek ang bumulagta kung saan bumalik sa loob ng travel lodge ang dalawa sa mga ito upang magtago.

Dito na dumating ang mga nagrespondeng ope­ratiba ng pulisya na naka­barilan pa ang dalawa sa mga suspek na ikinasawi ng isa sa mga ito habang isa pa ang sugatang naaresto.

 

vuukle comment

BATANGAS CITY

BATANGAS REGIONAL HOSPITAL

CHRISTIAN JAY VELIA

DITO

DONNA BLANCAFLOR

ISRAEL AQUINO

JUSTIN MACALINTAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with