^

Police Metro

Preso tumalon sa city hall

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines -Nasa kritikal na kala­gayan ang presong si Rodson Solomon, 24, ng Blk. C1, Excess Lot, Brgy. San Luis 1, Dasmariñas City, Cavite matapos itong tu­malon mula sa ikalawang palapag ng gusali ng Dasmariñas City Hall matapos na ito ay sampahan ng kaso sa city fiscal kahapon ng umaga.

Batay sa imbestigas­yon, alas-11:50 ng umaga ay ini-inquest ang biktima sa office ng city fiscal sa ikalawang palapag ng City Hall ng lunsod na ito hinggil sa kasong isinampa sa kanya ng kinakasamang si Ma. Marichelle Rustia, 19 na binuhusan nito ng kumukulong sinaing sa ulo at batok na naging sanhi ng pagkalapnos nito at nagtamo ng 2nd degree burn.

Pagkatapos umano ng inquest ay lumabas na ang mga ito sa opisina ng fiscal at upang ibalik sa kulungan nang bigla itong tumakbo patungo sa bintana at tumalon.

Masuwerte na unang tumama sa bubongan ng police station bago tulu­yang bumagsak sa kalsada.

vuukle comment

BATAY

BRGY

CAVITE

CITY HALL

DASMARI

EXCESS LOT

MARICHELLE RUSTIA

RODSON SOLOMON

SAN LUIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with