^

Police Metro

Pero si P-Noy lang ang pwedeng magdisiplina – CSC… LTO Chief guilty sa casino

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines -Inihayag ni Civil Service Commission Chairman Francisco Duque III na lumabag sa batas si Land Transportation Office (LTO) Chief Virginia Torres na nagbabawal sa sinumang tauhan at opisyal ng pa­mahalaan na pumasok, maglagi at maglaro sa mga gambling casino.

“Lumabag siya sa batas alinsunod sa Memorandum Circular No. 8  na naipalabas ng Pangulo ng bansa noong 2001”pahayag ni Duque.

Subalit, ayon kay Du­que dahil si Torres ay isang presidential ap­pointee, walang kapang­yarihan ang CSC na di­siplinahin ito kundi ang Pangulong Noynoy Aquino lamang.

Sinabi naman ni DO­TC Secretary Joseph Emi­lio Abaya na binubusi­si nilang mabuti ang kaso ng pag-amin ni Torres na siya nga ang babaeng naging viral sa you tube na nag­papakita na naglalaro sa isang casino.

Sinabi rin ni Abaya na hindi na niya pinagba­kasyon si Torres habang iniimbestigahan ang kontrobersiyal na isyu dahil alam naman ng huli na nag­pa-file ng vacation leave ang sinumang opis­yal ng pamahalaan habang ito ay iniimbestigahan.

Una nang nanawagan ang militanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nation­wide (PISTON) kay Abaya na agad ipaalam sa publiko ang resulta ng imbestigasyon at parusahan ito kung nararapat.

Kahit pa anya shooting buddy ni Pangulong Aquino si Torres, kailangang maipakita ng Chief Exe­cutive na siya ay walang pinapanigan pagdating sa pagpapatupad ng batas, maging ito man ay malapit sa kanya upang mapaniwala ang mamamayan na tunay at totoo ang ipina­ngakong tuwid na daan para sa taumbayan.

Si Torres ay dating district head ng LTO-Tarlac bago ito naitala bilang Asst. Secretary ni P-Noy sa LTO noong 2010.

Naging kontrobersiyal rin si Torres hinggil sa usapin ng umanoy planong pag-take over sa IT provider ng LTO na Stradcom Corporation, pagbabalik manual ng operasyon ng LTO, kawalan ng car plates at stickers hanggang sa ngayon at ang  usapin sa kontrata sa AMpi na tagagawa ng drivers licen­se sa LTO.

ABAYA

CHIEF EXE

CHIEF VIRGINIA TORRES

CIVIL SERVICE COMMISSION CHAIRMAN FRANCISCO DUQUE

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MEMORANDUM CIRCULAR NO

OPERATORS NATION

PANGULONG AQUINO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with