^

Police Metro

May sakit na diabetes Guard nagbigti

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Minabuti ng isang security guard na magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng kanyang kuwarto sa Pasay City, kahapon ng madaling araw matapos na siya ay putulan ng binti dahil sa sakit na diabetes. Ang biktima ay kinilalang si Anthony Boroc, 26, nakatira sa Mary Gold Street, Rivera Village, ng naturang lungsod. Sa ulat ng Pasay City Police,  dakong alas-12:45 ng madaling araw nang madiskubre ang pagbibigti ng biktima ng nakakatandang kapatid nito na si Blondie Boroc, 28.

Ayon sa kaanak ng biktima, matagal nang sumasailalim sa depresyon si Boroc matapos na maputol ang isa nitong binti dahil sa sakit na diabetes.

Kamakalawa ng gabi nang umuwi ng kanilang bahay ang biktima galing sa pakikipag-inuman at may bitbit pang 2 bote ng beer at diretsong nagkulong sa loob ng kuwarto nito. Kinatok naman ng tiyahin na si Myrna Reyes ang kuwarto ng biktima upang alamin ang kalagayan ngunit nang hindi ito sumasagot ay naghinala na ito kaya puwersahang binuksan ang pinto at nadiskubre ang nakabiting biktima.

vuukle comment

ANTHONY BOROC

AYON

BIKTIMA

BLONDIE BOROC

BOROC

MARY GOLD STREET

MYRNA REYES

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

RIVERA VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with