^

Police Metro

Chinese trader, itinumba

Cristina Go Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang negosyanteng Chinese ang malapitang binaril sa ulo at agad na nasawi habang ito ay papasakay ng kanyang van sa Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas City, Cavite, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Michael Dy Tiu, may ari ng isang kila­lang Hardware sa Dasmariñas at residente ng #141 Gen Aguinaldo Hi-way, Brgy. Salitran 2 ng lunsod.

Hindi naman nakilala ang dalawang suspek na mabilis na tumakas sakay ng isang motorsiklo na walang plaka.

Sa imbestigasyon ni PO3 Aaron Abesamis, may hawak ng kaso, nabatid na ang insidente ay naganap dakong ala-1:40 ng madaling araw habang pasakay ang biktima sa Toyota Hi-ace nito na may plate number XMG 953 na minamaneho ng personal driver nito na si Roger Villapana ng lapitan ng dalawang suspek at walang sabi-sabing pagbabarilin.

Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang pulisya para mabatid ang motibo ng krimen at madakip ang dalawang salarin.

vuukle comment

AARON ABESAMIS

AGUINALDO HI

BRGY

DASMARI

GEN AGUINALDO HI

MICHAEL DY TIU

ROGER VILLAPANA

TOYOTA HI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with