^

Police Metro

2 sundalo dedo sa NPA

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang dalawang sundalo habang tatlo pa ang nasugatan makaraang makasagupa ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Dupag, Tabuk City, Kalinga, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang dalawang napatay na sundalo na sina Pfc. Rey Raagas at Corporal Dominador Concordia.

Isinugod naman sa pagamutan ang tatlo pang sundalo na nasugatan sa bakbakan na sina 2nd Lt. Czar Carsido, Pfc. Marnel Langnga at Pfc. Kennedy Sallaya .

Batay sa ulat ng Army’s 5th Infantry Division (ID), naganap ang bakbakan sa nasabing lugar bandang ala-1:40 ng hapon.

Ayon sa militar, nagresponde sa lugar ang tropa ng Army’s 17th Infantry Battalion (IB) matapos na makatanggap ng report sa presensya ng mga rebeldeng nangongotong sa mga residente.

Habang papalapit ang tropa ng mga sundalo sa natu­rang barangay ay sinalubong na ang mga ito at pagbabarilin sila ng mga NPA.

Tumagal ng kalahating oras ng barilin na nagresulta ng pagkamatay ng dalawang sundalo at pagkakasugat ng tatlo.

vuukle comment

CORPORAL DOMINADOR CONCORDIA

CZAR CARSIDO

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

KENNEDY SALLAYA

MARNEL LANGNGA

NEW PEOPLE

REY RAAGAS

TABUK CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with