^

Police Metro

VIP treatment kay Napoles, binira

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binira ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang pamahalaan dahil umano sa pagbibigay ng VIP treatment kay Janet Lim Napoles na sangkot sa P10 billion pork barrel scam.

Ganap na alas-9:00 ng umaga nang sabay sabay na nagtungo sa Makati ang grupo ng  VACC na may mga bitbit na naglalakihang placard nakasaad na “Mga politiko makonsensiya kayo. Lahat ng sangkot dito ay kaila­ngan ikulong at ibasura ang pork barrel”.

Pinangunahan ni VACC Chairman Dante Jimenez at Boy Evangelista ang isinagawang  kilos protesta  sa labas ng Makati City Jail upang harangin ang paglabas at pagpapalipat kay Napoles sa Fort Santo  Domingo sa Santa  Rosa, Laguna.

Mariing kinuwestiyon  ng VACC ang Malacañang  dahil sa special treatment na ibinibigay kay Napoles samatalang sangkot ito sa  maanomalyang pork barel scam.

“Sana huwag namang gawin ito ng pamahalaan natin, dapat ay sa Makati City Jail na lamang ikulong si Napoles” ani Jimenez.

Si Napoles ay nakatakdang ilipat sa Santa Rosa, Laguna matapos pagbigyan ni Makati Region Trial Court Judge Elmo Alameda ng Branch 150 ang petition  ng akusado na mailipat sa ibang kulungan para matiyak ang kanyang kaligtasan.

BOY EVANGELISTA

CHAIRMAN DANTE JIMENEZ

FORT SANTO

JANET LIM NAPOLES

MAKATI CITY JAIL

MAKATI REGION TRIAL COURT JUDGE ELMO ALAMEDA

NAPOLES

SANTA ROSA

SI NAPOLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with