^

Police Metro

Bebot, tiklo sa P.4M shabu

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tiklo ang isang 27-anyos na babae matapos ang isinagawang buy-bust operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Legaspi City, kahapon.

Ang notoryus umanong suspect ay nakilalang si Jamilah Lidas, alyas JM/Bagsik, dalaga at residente ng Block 25, Lot 1, Sultan Esmael, Dasmariñas City, Cavite.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac Jr.,  nadakip ang suspect  ng mga tauhan ng PDEA Regional Office 5 matapos ang operasyong isinagawa sa isang kuwarto sa Rizal St., Barangay 23, Imperial Court, Legaspi City, dakong alas-2 ng hapon.

Nakuha mula kay Lidas ang isang malaking plastic sachet na naglalaman shabu na may bigat na 75-gramo  at nagkakahalaga ng P405,000. Sasampahan naman ng kasong paglabag sa section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, alas-4 ng hapon nang maaresto ng PDEA ang mag-asawang sina Godofredo Balaono, alyas Faisal Sulayman, at Rowena Balaono, alyas Rohaida Sulayman na nakuhanan ng tatlong piraso ng plastic sachet na naglalaman din ng shabu sa may Sorsogon City.

CACDAC JR.

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO G

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

FAISAL SULAYMAN

GODOFREDO BALAONO

IMPERIAL COURT

JAMILAH LIDAS

LEGASPI CITY

REGIONAL OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with